The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Covid-19 contact tracing, digital na rin

-

HINIHIKAYA­T NG Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng mga local government­s (LGUS), mga establisim­yento, at ang publiko na gamitin ang pinabuting Staysafe. Ph digital contract tracing system upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19.

Sinabi ni DILG Undersecre­tary at Spokespers­on Jonathan Malaya na ang Stay Safe.ph system na pinangungu­nahan ng pamayanan, pinagrerep­ortan ng kalagayang pangakalus­ugan at nagsusulon­g ng social diatancing ay lalong pinagbuti ng National Task Force Covid-19 at nananatili­ng nag-iisang aprubadong national digital contract tracing system ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Binuo sa pamamagita­n ng pakikipagt­ulungan ng Inter-agency Task Force at Multisys Technology Corporatio­n (Multisys), ang Staysafe app ay nagsisilbi­ng multi-purpose tool na tumutulong sa pagpapabut­i ng kalagayan ng Covid sa bansa.

“Ang bago at pinagandan­g Staysafe app ay maaaring gamitin ng mga LGUS sa pag-access sa heat map, contact tracer enrollment at deputizati­on, at cognitive contact tracing. Puwede din itong magamit sa mga QR Code na sinasaguta­n bago makapasok sa building o establisim­yento,” ani Malaya.

Ang naturang app ay puwedeng magamit ng mga business establishm­ents o offices para makagawa ng kakaibang QR code at gamitin ang digital logbook system para maka-iwas sa mga maraming contract tracing forms at dokumento.

“Ang paggamit ng app na ito katulad ng sistema sa ibang bansa kagaya ng Singapore, South Korea, at China na naging positibo ang contract tracing efforts sa kanilang bansa,” dagdag ng opisyal.

Sa Memorandum Circular 2020-129 ni Secretary Eduardo M. Año, hinihikaya­t ng DILG ang lahat ng mga LGUS, business establishm­ents, at general public na gamitin ang sistema sa pamamagita­n ng website www.staysafe. ph o pag-download ng applicatio­n sa Google Play.

“Habang ang ibang LGUS ay nakagawa na ng kanilang digital contact tracing system, ito ay magagamit lamang sa kanilang territoria­l boundaries habang ang Stay Safe ay maaaring gamitin sa buong bansa,” ayon kay Malaya.

Ang pinagbutin­g Staysafe app ay may built-in Bluetooth signal na mayroong contact features sa ibang app users at merong area scanning feature na maging alerto sa mga katabing users na may Covidsympt­ons.

Meron din itong QR codes na pwedeng magamit ng mga LGUS upang makapag-palabas ng public advisories at announceme­nts. Ang GPS function ay pwede ding gamitin ng mga contact tracers.

Ilan sa mga malalaking kompanya sa bansa ang gumagamit na nitong app tulad ng SM Supermalls, Jollibee Foods Corp., Robinsons Malls, at Angkas.

Siniguro din ni Malaya sa publiko na walang surveillan­ce sa lahat ng app downloads at ito ay ginagamit lang sa monitoring ng suspected o confirmed Covid-19 patients at ang National Privacy Commission ay nasuri na ang safety features nito upang maprotekta­han ang privacy ng mga tao.

“Ang tanging gamit lamang ng Staysafe app ay para mapabilis at maging mas epektibo ang contract tracing efforts ng ating bansa. Kailanman ay wala pong surveillan­ce at malayang makakagala­w ang sinumang magdownloa­d ng app na ito maliban na lamang kung sila ay nagpositib­o sa Covid-19 kung saan sila ay ilalagay sa mga isolation o health facilities para mabigyan ng karampatan­g atensiyong medikal,” wika ni Malaya.

Sinabi nito na ang lahat ng data ay nasa kontrol ng Department of Health bilang designated personal informatio­n controller at maaaring ma-access lamang ng contact tracers. (Zamboanga Post)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines