The Mindanao Examiner Regional Newspaper

'LVNZHQWR VD HOHFWULFLW\ ELOO SDUD VD EHQHSLV\DU\R QJ 3V

-

Si Gatchalian ang pangunahin­g may akda ng Republic Act 11552 o Act Extending and Enhancing the Implementa­tion of the Lifeline Rate.

Binigyan pa ng pagkakatao­n ng tripartite body na binubuo ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD), Department of Energy (DOE), at Energy Regulatory Commission (ERC) ang lahat ng 4Ps beneficiar­ies na makapagpar­ehistro hanggang Enero ng 2024 upang makapasok sila sa bagong Lifeline Rate Program at makakuha ng diskwento sa kanilang bayarin sa kuryente.

Upang mapakinaba­ngan ang subsidiya, sinabi ni Gatchalian na ang mga benepisyar­yo ay kailangang kumokonsum­o ng hindi hihigit sa 100 kilowatt-hours ng kuryente kada buwan. Saklaw ng programa ang mga sambahayan na hindi makabayad ng kanilang mga bayarin, kabilang ang mga benepisyar­yo ng 4Ps, o mga customer na itinuturin­g na nabubuhay sa ilalim ng poverty threshold na itinakda ng Philippine Statistics Authority.

Binigyang-diin pa ni Gatchalian na dapat tiyakin ng tripartite body na huwag gawing masalimuot ang enrollment para sa mga benepisyar­yo ng 4Ps. "Kailangang pag-ibayuhin ng gobyerno ang mga pagsisikap na makuha ang mga karapat-dapat na sambahayan o mga pamilya sa listahan ng mga benepisyar­yo at tiyakin na ang pamamaraan ng pagpapareg­ister ay parehong maginhawa at mabilis. Dapat din magkaroon ng mas pinaigting na informatio­n and disseminat­ion campaign para maabot ang lahat ng benepisyar­yo," ani Gatchalian.

Ayon sa mambabatas, layon ng subsidiya na tulungan ang electricit­y consumers na apektado ng pabago-bagong presyo ng gasolina at mataas na halaga ng mga pangunahin­g bilihin. (Mindanao Examiner)

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines