The Philippine Star

What’s inside? ‘Comedy and tragedy’

-

May nagtanong sa Problem Solving sa Bulaga —

Ang pagsusukat ba raw talaga’y masama

Ng damit na pangkasal ng bride bago pa nga

Tunay na araw ng pagharap sa dambana?

Pagkat ‘di nga raw matutuloy ang kasalan

Malamang kapag may naganap na sukatan, At kung ito ma’y inyong paniniwala­an,

Good News sa mga medyo naghihinga­lo

d’yan!

Kung ang isang tao araw na’y nabibilang,

O kung sandali na lang s’yay paglalamay­an,

Di ISUKAT n’ya pamburol bago “sukatan”

At baka ‘di matuloy kanyang kamatayan!

Ngek! Eh anong malay n’yo at mabisa naman? Pa’no malalaman kung hindi susubukan? Basta’t bulak sa ilong ‘wag munang lalagyan!

At Barong sa likod ‘wag munang bibiyakan!

At meron pang isang problemang inilapit —

Tungkol sa guro sa isang bata nagalit At magulang nito’y pinadadala­ng pilit Dahil nga ang bata’y maingay at makulit!

Nang malaman ng ina na masungit medyo, Kaagad sa guro ay nagpasabi ito — “Kahit nga sa bahay mas masahol anak ko…

Bakit Miss Teacher, PINATAWAG ko ba kayo?!”

At meron pang isa na patungkol din dito — Isang batang magulo rin inireklamo Ng kanyang guro kaya ang inutos dito —

Ang mga magulang sa kanya ay magtungo!

Ang salbaheng bata ay namroblema­ng tunay

Pagkat mga magulang pareho nang patay!

At sa utos ng teacher ay hindi sumuway,

Kinabukasa­n may dalang mga kalansay!

Ngek! Bakit, festival ba ngayon ng patayan?!

Of corpse, este course dahil ayon kasaysayan, Sa araw na ito ng Marso sinaksakan Si Julius Caesar ng balaraw sa katawan! Ito ay nangyari sa Senado ng Roma Nang matigil na korapsyon sa Republika, Mas malakas na militar sa pulitika, Pagkaka-SALAD ni Caesar kay Cleopatra! Parang katulad din ng nangyayari dito — Korapsyon sa Republika! Ano ba bago? Ibang klaseng “saksakan” lang ang mabibisto — Saksakan nang saksakan sa kanilang pondo! At dahil d’yan, Patayan Festival ba ‘kanyo? Dahil nga sa ganito, eh PATAY NA TAYO! At bukas naman, FISH muna tayo amigo, TUKLAS PINAS ng inutas ni Lapu-Lapu!

Of course, on March Sixteen, Fifteen Hundred Twenty-One,When the Philippine­sdiscovere­d by was Magellan,Kung hindi kaya tayo Kanino napakialam­an,kaya tayo naroong kandungan?

Sa mga nangyari sa’tin sa kasaysayan,

Kung ano man ito ay ating kasalanan,

Malantong din tayo kasi’t may kalandian,

Bayang magiliw kasi kung hindi ba naman!

Sandali, “BUHAY” naman ating pag-usapan,

Para balanse naman ating presentati­on, Let’s put more life in our LIBING, este “living” ‘yon!

Tutal pag may namatay, “THAT’S LIFE!” ang reaction!

The theme song of the movie Frozen is Let It

Go… Well, sa Fifty Shades of Grey naman ay LATIGO! And like Frozen gagawin ding musical ito

And the title is… Do-Re-Mi-Fa-So-LATIGO!” Ops, dahil Comedy and Tragedy ang katas Ng sinulat ngayon at para rin daw patas, Frozen naman daw BOLD sa next nilang palabas —

The Tagalog version of Frozen — PINATIGAS!

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines