The Philippine Star

Takot sa Filipino

Bakit nga ba ang hirap magsulat sa Filipino?

- By NEAL P. CORPUS

Gusto kong isiping, na kahit hindi ako isang ganap na “manunulat,” may kakayahan naman ako sa napili kong propesyon. Lahat ng natutunan ko, napag-aralan ko sa paggawa at pagkakamal­i. Hindi ako dalubhasa at marami pa akong bigas na kailangang kainin. Ngunit lahat ng aking naisulat, hanggang sa araw na ito, ay nasa wikang Ingles, at isa lang ang kinakataku­tan kong gawin bilang isang manunulat: magsulat gamit ang wikang Filipino.

Nakakatawa­ng isipin, kasi dapat lang na ang isang manunulat sa Pilipinas ay mayroong kakayahang gumawa ng mga akda gamit ang Filipino — ito nga naman ang ating Inang Wika. Ito ang problema: wala akong kumpiyansa­ng magsulat gamit ito. Ang bokabulary­o ko ay limitado sa mga pang araw-araw na salita; kadalasan ay nagiging Taglish pa.

Lumaki ako sa wikang Ingles. Magaling ang ate ko sa pagsulat at pagsalita ng Ingles, at tiningalaa­n siya dahil dito. Sa kanya ko unang nakita ang kahalagaha­n ng pagsalita nito, at kung saan ka nito pwedeng dalhin sa buhay. Malaki ang aming pribilehiy­ong makapag-aral sa isang pribadong paaralan. At kahit na Filipino ang wikang ginagamit namin sa bahay, Ingles ang wikang de facto sa eskwelahan, kung saan ay bunging Tagalog lamang ang nakakaya ng karamihan. Mayroon akong isang kaklaseng akala ay ang Tagalog para sa “finger” ay “pinggero” (Ang tamang salita ay “daliri,” para sa mga hindi pa nakakaalam, o ‘di kaya’y naguluhan ngayon lang. Walang anuman.)

Hay aanniy oak ongip int aang akin gk aw alan gk a kay a hans a at in gI nangWika: para lam an gm a sulati tongs a nay say na‘ to, kinailanga­n kong isulat ang balangkas nito sa Ingles, at isinalin ko na lang p ag kat apos.N ag aw ako nari nan ga kingpin aka kin a kata ku tang ga win sap rose song it o—bu ks an at gamitin ang Google Translate. Hindi naman umabot sa antas ng “pinggero”, pero malapit na. Paano ko nga ba isusulat ang aking mga saloobin sa isang wikang wala akong kapangyari­han gamitin? Paano ko ito aayusin?

Ilang araw na pagpapalib­an ang dumaan sa pagsulat ng sanaysay na ito, ilang araw na ako’y paralisado at nag-iisip kung paano ko siya isusulat. May dumating na mahalangan­g tanong: bakit nga ba natin itinitinga­la ang kahusayan sa Ingles, at sa paggawa nito, kinukutya ang Filipino? Mayroong argumento na ang Ingles ay ang wikang “internatio­nal” at ito naman ay may katotohana­n — ngunit bakit ito nagiging batayan ng kahusayan, kaalaman, at estado sa buhay? Noong ako’y tumungtong sa kolehiyo, namulat ang pag-iisip ko na ang Filipino ay isang wika na may kakayahang maka-mangha, sa parehong antas ng kahit anong wika, kabilang ang Ingles.

Ang Filipino ay isang wika na punong puno ng magagandan­g salita. Ito ay nagdadala ng wika na may kakayahang magpahiwat­ig ng mga emosyon na walang kapantay. Ito ay madamdamin; puno ng pagkahumal­ing, kalinga, at siklab. Wala pa ring katumbas ang marinig o isulat ang damdamin ng “kilig,” o di kaya ang lutong at siklab ng “p*utang ina!” Hindi ba?

Aaminin ko, marami pa akong kailangang matutunan sa pagsusulat, at sa paggamit ng Filipino upang magamit ito ng mayroong kahit kaunting kahusayan. Ngunit hindi dapat natin hayaan maging hadlang ang Ingles — at ang kulturang tumitingal­a dito — upang ipagdiwang ang ating sariling wika. Hindi lang natin dapat ito ipagdiwang dahil ito’y atin, kung hindi dahil ito’y napakagand­a, at walang kapantay. Oras na para kumain pa ng bigas.

 ?? Dibuho ni JERWIN DEE ??
Dibuho ni JERWIN DEE

Newspapers in English

Newspapers from Philippines