The Philippine Star

‘National Lampasuhan 2’

- JOEY DE LEON

Totoo ngang ang National Bird natin ay mamamatay-tsonggo! Dapat palitan na! Tanggalin na rin ang Tamaraw bilang National Animal! Pag-isahin na lang ang National Bird and Animal and inominate ... MANOK! Marami pang silbi ito! Bukod sa malapit ito sa ‘itaas,’ ito ang ating Pambansang Alarm Cock este, clock!

Natunghaya­n n’yo ang NATIONAL LAMPASUHAN Na nangyari dito nitong Linggong nagdaan, Pagpatuloy natin ang mga kaganapan Kung sino mga “Pambansang” na may karapatan! Mga BULAKLAK pa rin ay nagkakagul­o! SAMPAGUITA parang naghuhuram­entado! WALING-WALING at YLANGYLANG inararo! Kesyo not good

maging “Pambansa” mga ito! Basta inuulit pangalan is a NO-NO! Para rin daw sira-sira o lukoluko! Narinig ito ng dumaraang PARO-PARO, “Hmmm… kaya out ako sa Pambansang Insekto!” Ang mga binanatan nasaktan masyado, Si Waling-Waling ay wala nang preno-preno, “Sinusumpa kita! Puti lang labas sa ‘yo, Pero ‘SANG PUGITA ang itim ng loob mo!” “Bakit, saan ka ba galing sa akala mo? Pinulot ka lang sa Bumbay ‘di katulad ko! Ako’y tubong Mindanao, lahing Pilipino! At ‘di ako pangkalye tulad mo! THANK YOU!” Sa hindi kalayua’t nakikinig dito, Mga ISDA naman na kumakandid­ato, Sabi ni SAP-SAP kay PLAPLA, “Talo na tayo!” Habang si HASA-HASA ay tatango-tango! “Ewan ko sa inyo!” sigaw ni LAPU-LAPU, “Basta ako laban kung laban hanggang dulo! Itong si BANGUS pick lang ng Amerikano, Tulad ni Sampaguita… PUTI kasi ito!” Oo nga ‘no! But wait, KAYUMANGGI ba’y ano? Parang wala naman… TINAPA lang alam ko! Biglang pasok si UNGGOY at nagwika ito, “Tama na ‘yang FISH TALKS! ‘Yang BIRD ang tanggalin n’yo!” “Ayyy… Yuck!” biglang puro ‘yan ang maririnig mo! Nag-blush mga bulaklak sa sinabing ito! Sobrang bastos daw ni Unggoy at walang modo! “’Yung pinalit kay MAYA ibig sabihin ko!” I Naliwanaga­n lahat ngunit ang magulo — ‘Di naman n’ya kauri binabawal nito! Tinanong si Monkey at ang sagot n’ya dito, “National Bird n’yo kasi

MAMAMATAY TSONGGO!” Ingay ng bulungan sa Convencion Nacional! ‘Di raw dapat Pambansa ang isang kriminal! Nang biglang lumapag malaking Philippine EAGLE, “Bakit, sino’t meron ba ritong umaangal?!” Matapos mahabahaba­ng katahimika­n, Si Unggoyito ay may hinirit na naman, Habang ang Agila ay hinihingut­uhan, “Boss, next time… DONKEYEATI­NG naman ang subukan!”

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines