The Philippine Star

‘National Lampasuhan 3’

-

Ang maraming VEGETABLES ay nagkakagul­o, Wala pa kasing napipili sa titulo — “Ang Pambansang Gulay ng mga Pilipino!”

Pero agad si SINGKAMAS ay presentado! Kasi’y first mention s’ya sa kantang “Bahay Kubo,” Subalit inawat agad s’ya ni PIPINO! S’ya nga raw dapat dahil tunog PILIPINO! Say pa kay Singkamas, “Please kumilos ka nang pino!” “Hoy Singkamas makinig sa sasabihin ko, Kaya ka nauna sa kantang ‘Bahay Kubo,’ Kasi kantang-kanta ka na! SING KA MASYADO!

Mas masarap ka lang pag may ASIN… TUNADO!”

“Ako nga wala ron!” dagdag pa ni Pipino, “But favorite ako ng mga estrangher­o! Konting suka’t paminta ayos buto-buto! Kaya for National Vegetable, ‘yan ay… AKO!”

“Bakwit este, but wait!” sigaw naman ni KANGKONG, “Dapat yata’y ako, tsibog sa barongbaro­ng!

Pagkain ng nangangail­angan ng tulong…

Ng masa (hikbi) at ‘yung mga walang bubong!”

“Tama na ‘yang drama mo!” pumasok ang TALONG!

Kahit kailan ‘di pwedeng ‘Pambansa’ si Kangkong!

Bukod sa katunog ng Tsonggong si King Kong, Ibig sabihin ng Kangkong ay PANDARAMBO­NG!”

Hindi na tumigil sa pagpasok si Talong, “And wait there’s more… BAD meaning ASAWA NI KANGKONG!

And excuse me Morning Glory, sosyal ka’t meron!

Adobo ka pa nga, hindi ka patay-gutom!”

“I vote for OKRA dahil may OK sa name s’ya!” Sumigaw ay si Okra rin syempre sino pa? Nagulat lahat, ni-nominate sarili n’ya Pasok uli ang Talong, “Nauulol ka ba?” “Thank you for that wonderful question…” say ni Okra, Ikaw ba Mr. Eggplant ay nagpapataw­a? Alam kong ‘yang tanong mo may halong malisya! But if dahil naglalaway ako, HINDI ah!”

“Talong ng ina mo! ‘Wag mo ‘kong inookray!” Nagwala si Okra’t sumabog ang laway! Biglang nagka-tensyon, awatan mga gulay!

Pumanhik ng stage at pumagitna si PECHAY!

“Relaks lang Okra at magpalamig ka muna!”

Say ni Pechay na mukhang bagong paligo pa!

“Tumigil ka nga Pechay!” ang bwelta ni Okra, “We know kayo ni Talong magsyotang dalawa!” “Mga bastos kayo lalo pag magkasama!” Sa puntong ito si Okra nagwawala na! Sumisirit ang laway tila bang si ORCA! Lumapit si KAMATIS, sinampalsa­mpal s’ya!

Nanlambot si Okra at gulay na gulay na, Si Pechay at Talong nawala sa eksena, Nagbulunga­n ang lahat at wika ni LUYA, “Malamang nag-quickie na naman ‘yung dalawa!”

 ??  ??
 ??  ?? Abangan next Sunday ang Dabarkads sa kanilang pakikipags­apalaran mula QC hanggang KYUSHU... buong BANZAI... Eat, Bulaga!
Abangan next Sunday ang Dabarkads sa kanilang pakikipags­apalaran mula QC hanggang KYUSHU... buong BANZAI... Eat, Bulaga!
 ??  ?? me, starzan JOEY DE LEON
me, starzan JOEY DE LEON

Newspapers in English

Newspapers from Philippines