The Philippine Star

‘Morph of Macau’

- JOEY DE LEON

Patawa nun na pinapalita­n pangalan Kapag ikaw ay natira sa may Kanluran,

Gagawing stateside lalo na’t may kabantutan

Tulad ni FAJARDO BATO… HARD ROCK na ngayon! Subalit paikot-ikot lang ang panahon, Hindi na ito joke, ito na’y katunayan —

Hard Rock Hotel Macau na ay mamamaalam,

Next year MORPHEUS Hotel na inyong magigisnan! Pero teka, sino nga ba ang Morpheus na ‘yan? Si Morpheus ang god of sleep at ng dreams lang naman! Dahil sa City Of Dreams kaya ang dahilan? O dahil god of SLEEP? Kasi hotel ay tulugan! Pinagtatak­a ko’t isa pang katanungan — Bakit mga motel nun “court” ang katawagan? Sa loob may nangyayari pa bang ligawan? May hinuhusgah­an and will serve a short time lang? He, he, he… kaya ito pinag-uusapan Eh kasi last week ako ay nagkaarawa­n Sa Macau at sa harap ng tinutuluya­n — Isang higanteng gusali ang nasaksihan! Halos inunano na n’ya ang katabing Crown! Pati nga Hard Rock na ngayo’y pangala’y COUNTDOWN! Akala ko Hard Rock lilipad kalawakan! ‘Yun pala’y countdown ng opening ng Morpheus lang! Sa katunayan ako ma’y naguguluha­n,

Dito nga kasi ang daming nagsusulpu­tan!

Kasabihang Las Vegas dito’y kaibahan —

“What happens in Macau magugulat ka na lang!”

Sa design pa lang ikaw ay magugulant­ang!

Butas gitna! Waring may alien na dumaan! Tipo bang makikita sa panaginip lang, Ilang tulog na lang kaya ating abangan! Tila isang City of Dreams nga tutunguhan Sapagkat sa tabi nila hindi kalayuan, Isang higanteng jewelry box nandun naman! Isang higanteng LEON sya’y binabantay­an! MGM ‘yan! The Jewel of Taipa and Coloane! Halos sabay sila ng Morpheus na bubuksan! Kaya Ang Poet N’yo ‘yay pinaghahan­daan, Alam n’yo naman ADIK ako… sa TULUGAN! Behhh … akala n’yo porke’t Macau na’y sugalan! Excuse me lang minamahal kong kababayan, Hanggang tulugan, kainan at shopping-an lang! Well, may pakonti-konting slot machine naman d’yan! Halos dito na nga sa Macau taon-taon Ginagawa ko aking birthday celebratio­n, Tingin n’yo ba dahil malapit transporta­tion? O dahil sa numbers na aking fascinatio­n? YES sa first dahil NO na sa long na liparan, Pero sa numbers? Hmmm… tingin ko hindi naman, Birthday lunch ko sa 456 Shanghai Restaurant…

At nung gabi sa Dynasty EIGHT naghapunan!

 ??  ?? Eileen before the new ‘dream project’ of the City Of Dreams, Macau, the ‘morphing’ Morpheus Hotel.
Eileen before the new ‘dream project’ of the City Of Dreams, Macau, the ‘morphing’ Morpheus Hotel.
 ??  ?? THE LIONS and the new pride of Cotai — The MGM Cotai. It becomes a gigantic jewelry box sparkling brilliantl­y at night.
THE LIONS and the new pride of Cotai — The MGM Cotai. It becomes a gigantic jewelry box sparkling brilliantl­y at night.
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines