The Philippine Star

‘Nanay Ko Po!’

(Part Two)

- JOEY DE LEON

Natatandaa­n n’yo ba nanay kong ninety-two Na nadulas ba minsan pagpunta sa banyo? Nang sa E.R. na’y nagalit pa’t pilosopo Nang tingnan at interbyuhi­n ng nurses ito!

Nang tanungin kasi magaling na nanay ko Kung pinagdalha­n sa kanya ay alam nito, Sa nars na nagtanong sinagot n’ya ay ito, “Nars ka ‘di ba? Ospital ‘to dapat alam mo!”

Sa nangyari’y medyo natawa na lang ako Pero sinabihang mag-ingat na lang ito,

But do you know nitong Octubre treinta y uno, Sumemplang na naman ang ermats kong ninety-two!

Mabuti’t pasa’t bugbog lang inabot nito, Walang magawa’t ‘di naman daw n’ya ginusto, Puro sigaw lang tinanggap sa Ang Poet N’yo, Sumisigaw ako dahil bingi nanay ko!

Ang kawawa talaga sa nangyaring ito — Alam n’yo bang walang iba kundi misis ko! Kasi naman nung X-ray lalo na sa ulo, Si Eileen humahawak ng kanyang pustiso!

Ngek! At hindi pa d’yan nagtatapos ang kwento, Pagkat may masakit pa sa katawan nito, Dahil nga sa pagsirko na kanyang tinamo,

Strong na pain reliever ang nireseta dito!

Suggestion ni Eileen maglaman muna ito Dahil nga malakas gamot na binigay dito, Nang marinig na “strong” umangal ang nanay ko At alam n’yo sabi, “Baka ma-ADIK ako!”

Ngek! He, he, he… op kors nagkatawan­an dito,

Now you know kung sino ang pinagmanah­an ko! At sumingit na rin duktor dito sa gulo, “Oks ka nang ma-adik dahil you’re ninety-two!”

Well, kahit ano pa talaga edad ninyo, Walang bata’t matanda sa HAGDAN at BANYO! Mag-iingat kayo’t ‘wag matigas ang ulo, Pwera na lamang… MATIGAS ANG ULO NINYO?

Ah basta, ‘yan lagi pag-iingatan ninyo Lalo na kayong mga lola na at lolo, Rumurupok pagtagal ating mga buto, Pagtayo at pag-upo dapat de numero!

‘Wag magmamadal­i sa ginagawa ninyo, Kwidaw kayong MADALAS… MADULAS sa banyo! Tandaang palagi ang kasabihang ito — “’Di baleng mabaho ‘wag lang mabagok ulo!”

“Ang pagsisisi ay nasa huli.” Totoo. Ngunit sa pagsi-CR what’s numero uno? The most important ba pag naligo ay ano? Not step one or two kundi pag-STEP ng paa n’yo!

 ??  ?? Ang Poet N’yo At Ang Ermats N’yang Si Emma Na Ninety-Two!
Ang Poet N’yo At Ang Ermats N’yang Si Emma Na Ninety-Two!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines