The Philippine Star

Me, Starzan ‘Merrygayan­g Pasko!’

- JOEY DE LEON

Diciembre veintecuat­ro, bisperas ng Pasko,

Isanlibo walong daan walumpu’t walo,

Tulad din ng araw na ito diumano,

Pinutol sariling tenga ni Vincent van Gogh!

Oh no! Dahil kaya tinututuli ito? Marami raw dahilan kaya s’ya tuliro! Ang tanong: Bakit ba tinutuli ang tao? Ayon din ba kay Vincent — para raw MAVAN GOGH?

Ngek! Tawa naman kayo’t bukas na ang Pasko! Ngunit sa isang banda’y tila nga magulo, Si Charlie Chaplin na nagpatawa sa mundo Ay Pasko rin nang sa mundo mawala ito!

Noong panahong nagpatiwak­al si Van Gogh, Dun naman niluwal ang Dakilang Komiko! Kung minsan talaga mga dakilang tao Sa kasaysayan tila ba konektado!

October 9 nang si “Che” naletse sa mundo; Nang maputol hininga nitong si Ernesto, Itong si John Winston Lennon alam ba ninyo?

October 9 din nang maputol pusod nito!

Tinuturing na mga rebolusyon­aryo, Magkatulad ding sa “REVOLVER” konektado, Mga apatnapung taon sila pareho Nang sa baril magwakas mga buhay nito!

Isa pang dahilan kung bakit artikulo Inumpisaha­n ng tungkol kay Vincent van Gogh, Dahil sa “Starry Night” na ipininta nito — STAR kasi gumiya sa Tatlong Haring Mago!

At ‘yun na nga ang kauna-unahang Pasko! At sa ganang aki’t pag nakita rin ninyo Ang “Starry Night” na nilikha ni Vincent van Gogh,

Masasabi n’yong, “Ang gandang Christmas card nito!”

HAPPY CHRISTMAS! Thank you Lennon, Chaplin and van Gogh! Subalit naaamoy n’yo na ba ang bango Ng Noche Buena? Tsokolate, hamon, keso! Pero kung wala nito itulog na lang n’yo!

Basta lang don’t forget mag-HAPPY BIRTHDAY TO YOU Sa SUPERHERO nating mga Kristiyano, Dahil kung hindi sa Kanya ay walang Pasko!

Ano nga kaya ‘no? Puro lang SUPERLOLO?!

Kung walang Christmas at puro New Year lang tayo, Eh di laging amoy pulbura lang ang tao! Butas ng ilong ang dumi! Masakit nito … Malamang kulang-kulang pa daliri ninyo!

Kung walang Pasko ‘di mauuso regalo! ‘Di matututong magbigayan mga tao, Walang parol, Santa Claus at Christmas tree tayo!

Kaya lang siguro mabango pa sa Baguio!

Walang Simbang Gabi … maging sa araw ‘kanyo! Saang simbahan naman kayo magtutungo? At saka ang dadasalan n’yo ba ay sino? At wala ring bibingka’t sa bumbong na puto! At syempre pa wala tayong damit na bago, Maaaring mawala na rin pagmamano Ops, wala ring ngangawa ng “DASING TUDAS NO!”

Mga batang aawit nang wala sa tono!

Imadyin, ‘di mo na maririnig sa radyo — Christmas carols umeere na nang Agosto!

Ngek! Basta everyday na lang Pasko! Mas oks ‘to!

Sige, magsimba kayo! MERRYGAYAN­G PASKO!

 ??  ??
 ??  ?? EAT’S CHRISTMAS! Mula sa inyong mga Dabarkads, isang Maligaya at Mapagpalan­g Kapaskuhan sa lahat!
EAT’S CHRISTMAS! Mula sa inyong mga Dabarkads, isang Maligaya at Mapagpalan­g Kapaskuhan sa lahat!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines