The Philippine Star

‘Minimalism or MANY-malism?’

- JOEY DE LEON

PEPE TALK… ops, hindi ito isang usapan

Tungkol sa pribadong bahagi ng katawan!

Hindi rin Vagina Monologues lalo naman!

Tungkol ba kay PEPE na JOSE ang pangalan!

Marami ring Pepe sa ating kasaysayan — May Pepe si Pilar at two weeks ago lamang, Pepe ni Josephine Bracken ating usapan! At ngayon si Pepe na aking ama naman!

Sabi ng Tatay ko nung maliit pa kami, “QUALITY ang piliin kaysa sa QUANTITY!” Calidad! Uring mataas kaysa marami! So, konting damit namin Escolta binili!

Ops, Escolta nung araw ay waring Makati! Pinag-uusapan natin ay 1950! Pwede ring erpat ko ay tinitipid kami?

Pero hindi nga’t suot nami’y high quality!

Kaya nung ama ko ay nag-ibang bansa na

At nakipagsap­alaran dun sa Espanya,

Naiwan din sa akin ang naturang linya — “Quality over quantity” aking minana!

Dahil ‘di naman kami gaanong sagana,

Tumatangga­p din kami ng bigay kumbaga, Ngunit iba ako’t akin lang kinukuha… ‘Yung gamit nung sa New Manila nakatira!

‘Yun bang mga pinsang kong mayama’t maykaya!

Sa may Gilmore, Quezon City ang bahay nila!

Pati nga una kong relos na may koboy pa,

Sa bawat pag-tick-tock gumagalaw baril n’ya! Sosyal ilang pinsan ko’t mga Spanish speaking! Tisoy at tisay, naka-Cadillac pa mandin! Kami’y sa Sampaloc, sa SARAO nakabitin! But excuse me, quality pa ri’y nasa akin!

Subalit tila sa mga gamit ko lang ba

Nailalapat minana sa amang linya

Dahil sa paglaki pananaw ko’t panlasa

Sa maraming bagay unti-unting nag-iba!

Katulad ba nung ako’y magkokoleh­iyo —

Dahil may educationa­l benefit ako,

Ubrang libreng mag-aral tulad Ateneo Ngunit ang pinili ko’y ‘yun bang “magugulo!”

Hindi gaanong pormal at maraming tao!

Hmmm… o ‘yung maraming babae siguro?

At medyo nagkaron na ng problema dito

Sapagkat ako na rin ay nagtraEh trabaho!

Sa dahilan bang may kinikita na ako Ay may nais akong itanong sa tatay ko — Na ang QUALITY at QUANTITY ba’y paano Kung PAGSASABAY­IN ko? Masama ba ito?

At habang tumatagal sa buhay ng tao, Uri ng pamumuhay din ay nagbabago! Kung dati’y Quality or Quantity choices mo, Ngayo’y MINIMALISM o MANY na ito!

Minimalism or MANY-malism? Ano? Kung ‘yung huli kasi ang pipiliin dito

wala namang paki ibang tao sa ‘yo,

Kaya lang dadami rin ang mga KALAT mo!

At habang tumatanda pa naman ang tao,

Mahina na ito’t galaw ay limitado,

Kaya maraming gamit mo na ay paano?

Isang sulok ka na lang sa iyong palasyo!

Ngek! Ang masakit at masaklap pa nga dito,

Kung may pulso pa man, “quality” nama’y palso!

Sa sulok na ‘yan ay iba pang mga tao

Ang maglalagay at mag-aalis sa iyo!

Well, sa buhay talaga’y kanyakanya tayo,

Kung ano’t paano gusto bahala kayo! Bastat linyang naiwan ng Papa

Pepe ko Ay ITO pa rin ang pinakapabo­rito —

“A GOOD LIFE IS EXPENSIVE. THERE IS SOMETHING CHEAPER

BUT IT IS NOT LIFE!”

 ??  ??
 ??  ?? That’s my Papa Pepe and his Spanish wife, Mama Marita (ang nanay ko ang Filipina wife). The little girl is my half-sister Magdalena.
That’s my Papa Pepe and his Spanish wife, Mama Marita (ang nanay ko ang Filipina wife). The little girl is my half-sister Magdalena.
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines