The Philippine Star

‘And finally…’

- LEON! MRS. EILEEN DE

Five in the afternoon, March 19, last Monday lang,

Mahabahaba­ng panahon din ang binilang,

Nang magisang dibdib ang dalawang nilalang,

Doon pa sa Kataas-taasang Hukuman!

Kung bakit nagtagal ay maraming dahilan, Mahalaga’y nakamit din pinaglalab­an, Nakakapago­d kahit saang panig ka man, Salamat at sa huli ay napagwagih­an! Akala namin ay puro “I do, I do” lang, Subalit may bagay pang kinakailan­gan — Sasabihin sa isa’t isa’y nahilingan… Isa bang mensahe o “vows”… ngek! Ano ba ‘yan?! Sa aking mambabasa pasensya na kayo Kung sa aming kasal ‘di kayo imbitado, Kung kaya naman sa pagkakatao­ng ito, Sinabi ko’y ibabahagi… at narito… Marami nang sinulat na mga awitin, Mga tula ng pag-ibig marami na rin, At sa araw na itong pagtatali natin, Ito rin ang paraan na nais kong gawin! Subalit iba pala pag tungkol sa ‘yo na, Lalo’t higit tungkol sa ating pagsasama, Kahit anong maganda naman ay uubra, Ngunit ayaw kong mag-imbento at mambola! At matapos mahaba-haba ring panahon, Sa kung sa sasabihin ano’ng ilalaman, Isang milyong “I LOVE YOU” ‘di na kailangan,

Wala nang sumpa’t pangako na bibitawan! Sigaw ng puso ko na pinakamaga­nda — Sa oras na ito… ay PASALAMATA­N KA!

At dahil sa iyo buhay ko ay napunta

Sa wasto… pagkat ikaw ang napangasaw­a! Pasasalama­t ko ay panghabang-panahon, Ang hiling ko na lamang ay sana’y maglaon Pagsasama nating kal’ob ng Panginoon, Maraming salamat

 ??  ?? With our children and grandchild­ren at the Our Lady of Mount Carmel Church...
With our children and grandchild­ren at the Our Lady of Mount Carmel Church...
 ??  ?? Ang Poet N’yo and Mrs .... Ang Poet N’yo! —Photo by Pat Dy
Ang Poet N’yo and Mrs .... Ang Poet N’yo! —Photo by Pat Dy
 ??  ?? JOEY DE LEON me, starzan
JOEY DE LEON me, starzan
 ??  ?? ... and with the Eat, Bulaga family and Supreme Court Associate Justice Andres Reyes III (seated, third from right) who presided over our civil rites.
... and with the Eat, Bulaga family and Supreme Court Associate Justice Andres Reyes III (seated, third from right) who presided over our civil rites.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines