The Philippine Star

‘100 years of Eat Bulaga?’

-

July 30,1980 … sa First Birthday ng show —

Ng Eat Bulaga nung Unang Anibersary­o,

Naka-tee shirt ako at nakatatak dito —

“EAT’s First Anniversar­y! 99 YEARS TO GO!”

Ngek! Alam ko na malayong mangyari ito,

Ngunit baka may magbago ng kalendaryo! ‘Di n’yo masabi at ‘di nakasisigu­ro Kung ano nasa harapan … ano’ng malay n’yo?! Sa patuloy na takbo ng buhay sa mundo, Dumating at mawala mang tuluyan tayo, Isa sa hindi mapipigila­n ng tao Ay walang iba kung hindi ang PAGBABAGO!

“The only thing that is constant is CHANGE.” Um, gets n’yo?

‘Di yun SUKLI sa mga gustong magkomiko!

Ang nagsabi n’yan ay si HERACLITUS kuno!

Isa sa mga sinaunang pilosopo! ‘Di ba dati pag nagluto ng manok tayo, Katawan at hita lang binabandeh­ado! Ngayo’y kasama na pati paa at ulo! Baka pagtagal ulam na rin balahibo! Isipin n’yo na lang at uulitin ko — JOEY DE LEON

Maong dati pag natastas ay galit tayo! Lagot labandera pag namantsaha­n ito! Mas marumi’t sira ngayon mas aprubado! Ang bata nga dati pag sanggol pa lang ito, Konting iyak pa lang si Nanay agad takbo! Luwa agad dibdib agad magpapasus­o! Ngayon no more tsupon… CELLPHONE na ibabato! Kumbaga dati IPADARAMA sa iyo Pagmamahal ng isang ina na totoo; IPADEDEDE milk mula sa puso nito! Ngayon … iPAD na lang ayos na buto-buto! Akalaing pati ‘di aakalain ninyo, Tulad na lang babae sa pagmomodel­o, Meron pang rumampa habang nagpapasus­o! Ngek! Isang MODEDELO na matatawag ko! Hindi Supermodel kundi TSUPONMODE­L ito! Marami tuloy ang nagDEDEbat­e dito! Ngak! Este, it stirred debate ibig sabihin ko!

This mommy from Miami ano sa tingin n’yo?! Sa ganang akin aprub lang sa Ang Poet N’yo! Magpadede kayo habang nagpa-fashion show! Si NOSTRADAMU­S kaya ay nasilip ito? Mga “US-US” na ito tunay nga bang henyo?! Kay Nostradamu­s nawala na ang bilib ko! Dapat nahulaan n’ya pangyayari­ng ito — Ang tungkol sa modelo na nagpapasus­o Pagkat sa “HINAHARAP” magaling s’ya rito! Michel de Nostredame tunay na pangalan nito, Ang pangalang “Nostradamu­s” ay Latinado, Nagngangal­ang ANNE kanya namang wife number two, Kung ginawang ANUS ‘di ako sigurado! Nung araw “US” o “AS” ang pagpipilia­n mo Na ilalagay sa pangalan mo sa dulo, Kaya nga Julius, Brutus at Petrus si Pedro…

Hestas, Barabas kaya’y Hudas kung gusto mo! Kung ni-Latinize name ko … LEONUS siguro, Pero malamang LEONIDAS pipiliin ko! At kung gustong malaman mga “gay” kung sino, ‘Yung may “US” at “AS” sa name… ASUS sigurado! Well, napunta na tayo sa kung ano-ano, Maging sa pinapaksa nagbabago takbo, Si Heraclitus pala’y hindi nanloloko — “The only thing that is constant is CHANGE!” It is true! Kung kaya ngayong amin nang tinatakbo Ang pang-APAT NA DEKADA umaasa ‘ko Na matupad pa print sa tee shirt long time ago, Aba at sandali na lang … SIXTY YEARS TO GO! Ngek! At saka ‘di ko naman sinasabi ‘no Na kaming tatlo pa rin ang hosts kundi ‘yung show! Malamang nga n’yan ‘yung amin nang mga apo! Ano, ONE HUNDRED THIRTY YEARS OLD na host? Oh no!

 ??  ?? TRUE... THROUGH THE YEARS. THANK GOD IT’S FORTY ... almost!
TRUE... THROUGH THE YEARS. THANK GOD IT’S FORTY ... almost!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines