The Philippine Star

‘bLIssInG’

- JoeY De Leon

Saan pa isang ligaya ubrang magmula

Bukod alam na nating magandang balita?

Hindi ‘yung pangkarani­wang inaakala,

‘Yung akin malamang magkamali ng hula!

Bibigyan ko kayo ng isang halimbawa, Pangyayari­ng ito naisulat na yata, Nung sa Israel nag-pilgrimage at gumala,

Nang isang araw natapilok akong bigla! Nagkamali ng hakbang sa aking pagbaba Mula sa sasakyan at na-sprain nang malala! Lalakarin pa naman namin ay mahaba! At matindi pa nito ay PURO PABABA! Church of Saint Peter in Gallicantu nagpunta,

“Gallicantu” ay Latin — TILAOK NG NOK-MA!

Nang si Pedro tatlong ulit itinatwa S’ya! ang dungeon ni Caiaphas makikita!Dito Madilim at sa ilalim ang bartolina! Ibabang-ibaba at napakasiki­p pa! Kaya noon daw kapag bilanggo dinala, Naka-harness! Binababang naka-kadena! Dito Panginoon pinahirapa­ng una! Aking mga kasama ay nagsibaba na, Nais ko nang maiwa’t masakit ang paa Ngunit tila may nagtulak sa ‘king sumama! Kahit iika-ika’t paa’y hinihila, Dahan-dahang nanaog dala ang kamera, Naabutan kong nagdarasal lahat sila, Nakayuko’t hawak pader ng bartolina! Nag-kurus lang ako’t biglang naisip ko ba Na kunan ng larawan ang aking asawa, Nang aking siliping muli larawang kuha, Laking gulat sa PULANG MANOK na nakita! Ano sa palagay n’yo at ano nga kaya? Waring tilamsik ng dugo kanyang kamukha!

Hindi usapan dito ang paniniwala, Bakit sa dami ng hugis ay MANOK pa nga?!

Nais ko mang sabihing “mumunting himala”,

Tanggap ko s’yang NAKAKATUWA­NG PAGPAPALA! Pagkakatao­ng sa iba lamang ay wala, Sa aki’y yakap kong tulad ng Eat Bulaga! Spiritual joy kumbaga makukuha! Makakapagp­aligaya sa kaluluwa! Isang pagpapala na mabubulaga ka! Isang “BLISSING” ang itatawag ko sa kanya! October 8, 2018… Lunes…umaga, Pagkagisin­g nag-post agad sa social media Tungkol kay Saint Padre Pio of Pietrelcin­a Dahil relic n’ya sa Manila dadalhin na! Pagkatapos “maintenanc­e” ko ay ininom na, Nang biglang maalala inuming natira Nang nagdaang gabi ‘yung may aloe vera Na nasa refrigerat­or aking kinuha!

Habang aking tinutungga ang tira-tira, Kaliwang balikat ko ay sumayad pala Sa maraming ref magnets nahulog ang isa! At sa kaliwang palad ko dun nagpahinga! Mula sa mga ref magnets na sangkaterb­a, Tiningnan tila nilagay sa kamay basta! At ni wala akong kaideya-ideya, Alleluia! Si SAN PIO nakaluhod pa!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines