The Philippine Star

‘Baptism or bath teasing?’

- JOEY DE LEON

October 11, Mount of Temptation muna, ‘Tapos sa Jordan River ni San Juan Bautista, Binyagan ulit kaya nga lang samasama!

Mabuti’t napaaga kami’t unang-una!

Sapagkat ang tour guide namin naikwento n’ya

Na minsan daw pag nauna ibang turista Lalo na ‘yung ilang mga taga-Europa Kapag nagpabinya­g na ay lumulublob pa!

At karamihan ay naka-baptismal gown pa

Na nabibili at nine dollars yata isa,

May mga nagtatangg­al ng panloob nila

Kaya pag-ahon kitang-kita’t markang-marka!

Naturalmen­te ay maiiskanda­lo ka! Sa kaisipan mo ay ubrang magkasala!

‘Sabagay sa kanila wala raw malisya,

Sila! Eh pa’no kaming marupok talaga?!

Sa Holy Land kaya tao ay nagpupunta, Sa bucket list nila isa sa nangunguna! Kaya iwasang maglabas ng kaluluwa! Baka imbes bucket eh maging bakat list pa!

Ano ba paki ko sasabihin ng iba Eh kung ibang turista ay doon masaya? At kung kagustuhan ng iba ay magbomba! Pasalamat na nga la’t sila’y naka-gown pa!

Syanga pala sa nagbabalak bumisita,

Hindi lang sa Israel kundi sa iba pa, Siguruhin ninyong magbaon ng de lata, Isa sa mga araw hahanapin sila!

Katulad kahapon ‘saktong isang linggo na Na kami ay naririto sa Tierra Santa, Nagkayayaa­n kagabi na mag-Shawarma, Shardinas ang dinner ko’t ‘di ako Shumama!

At syanga pala kapag Shabbat sa kanila,

‘Yan ang seventh day nila’t araw ng pahinga, Some elevators nagtratrab­ahong mag-isa! Automatic bawat floor bubukas… sasara!

Kaya kung nasa nineteenth floor ka nakatira, Nineteen times ding close-open kaya magtiis ka! But there is no trapik ang luwag ng kalsada! Kaya papuntang Wailing Wall walkathon sila!

After Jordan River na like Michael hitsura! Korek, nag-darken na kulay nito talaga! At kumitid pa ‘kamo waring limang dipa Na lang sa bansang Jordan kanilang distansya!

Jordan River ay umaagos alam n’yo ba

Sa Jordan, Palestine, Israel ‘tsaka Syria? At may isda pa rin tulad Jordan in Utah, ‘Di tulad sa atin lumulutang ay O-TA!

After Jordan River Mount of Olives nagpunta,

And then maraming holy sites pa bibisita Sapagkat next day sa Turkey ay lilipad na! At mamaya may Saxum Visitor Center pa!

Dahil ibang lugar ay napuntahan ko na — Church of All Nations, Gethsemane, et cetera, Matindi pa ang init ‘di na ‘ko sumama, The sun was burning … bus na lamang nagpahinga!

 ??  ?? The Saxum pilgrimage 2019 group at the Mount of Temptation in Jericho
The Saxum pilgrimage 2019 group at the Mount of Temptation in Jericho
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines