The Philippine Star

‘New Normal Is No Porma’

- JOEY DE LEON

Aba at Three Months na palang naka-quarantine

Ang Poet N’yo at buhok ko’y wala nang itim! Nag-iba na nga rin ang ilang dating routine

At sa aking paningin pati pamahiin! (To the tune of In My Life by the Beatles)

Pag may birthday merong pansit For long life but now have changed Nang Covid Nineteen um-enter Naiba na ang for long life natin Nang humaba pa sa earth ang inyong moments Dapat may face mask ‘tsaka alcohol Wash your hands always to kill the organisms

For long life follow protocol

But of all our friends and others

There is someone sira ulo

Always outside nung quarantine

Sa labas pa rin kahit curfew

‘Di raw sya natatakot na ma-infection

At nakaron na raw sya before

Kung pwede let’s all stop and think about him

In this life… he is no more!

(To the tune of Leron Leron Sinta)

Dati pag sinabing Stay safe alam nyo na Dapat ang babae Ay merong bisita Sa panahon ngayon Stay safe na ay iba Ngayo’y bawal muna Ang mga bisita!

Dahil Covid Nineteen Ay nabago na rin Mga maseselan Na “private parts” natin

The mouth na and our hands

Na pag-iingatan

Palaging tatakpan

Laging huhugasan!

Kailan kaya problemang ito mag-eending?

Mga adik sa travel na ay dumadaing!

“We will travel WITH a vengeance!” a friend was saying, Sagot ko naman, “Para sure, With a Face Mask Din!”

Pero tanong: Saan ka naman maglalandi­ng? It’s true, weather ‘di na importante­ng alamin, Basta ba 36 ka or below that’s the thing Ngek! May barcode na tao? Sa noo babarilin!

At sa mga ngayong buwan pa rin ang wedding, Last Sunday’s column nalimutan kong sabihin Na kaya raw month of June many are marrying

Ay para raw may Junior agad na dumating! (To the tune of Sa May Bahay)

Sa bahay lang Pekto palagi Naka-face mask Hangga’t maari Ayaw nga nya’t OA ang wari Pagkat s’ya lang daw kasi ay bagong tuli! (Chorus)

Ang sanhi po Ba’t atrasado

Kung kailan pa gurang si Pekto Syota raw nya ang merong gusto Pagkat kasal na nila sa isang linggo!

Say ni Pekto Pwede ngang hindi Kung sya nga lang Wala nang tuli Safe pa nga ‘to Sa kanyang wari Pagkat naka-shield at face mask pa si Pedro! (Chorus)

Yan ang kwento Nitong si Pekto At syota nya’t Si little Pedro Maliwanag Under ang loko Asahang sa kasal nakapalda ito!

Naapektoha’y marami ng Covid

Nineteen —

Hindi lang superstiti­on nang ito’y dumating,

Pati nga Circumcisi­on na-postpone, nabitin!

Kung kaya stay safe pa rin ang maraming foreskin! Marami ang sa Life mag-iiba ang meaning … Yun bang Pagagaangi­n if you know what I mean! Yun bang magbabalik tayo sa simple living! New Normal is No Porma ang ibig sabihin!

Mababawasa­n ang mga nananalami­n,

Madadagdag­an ang mga nananalang­in!

‘Di na magwawalda­s sa mga mamahalin,

Kung ano ang meron ka yun na mamahalin!

Sa mga brand names ‘di na gaanong titingin!

Malamang sila pa ang masa bababain!

Bibigyang halaga na lamang ay Pagkain!

Buti na lang at may “Eat” ang palabas namin!

Ehem, sa simpleng buhay part pa rin Traveling …

Sa aking palagay yan lang dapat tanggapin,

Likas yan sa tao ang proof nyan nung quarantine —

Kahit bawal lumabas lumalayas pa rin!

Dahil sa matinding pagsubok na dumating, ‘Di na mapamahiin kundi mahiyain Na ang marami sa atin kung mapapansin …

Ano Pang Mukha Maipapakit­a Natin?

 ??  ?? New normal is no porma — Sabi nga,‘Burles este Less Is More!’ Remember the KISSABLE principle — Keep It Simple Sa Alaska Bad-hu Lang Everyday!
New normal is no porma — Sabi nga,‘Burles este Less Is More!’ Remember the KISSABLE principle — Keep It Simple Sa Alaska Bad-hu Lang Everyday!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines