Watchmen Daily Journal

Karen Davila, Bianca Gonzalez speak up on Gretchen Fullido sexual harassment charge

Nagbigay ng reaksiyon sina Karen Davila at Bianca Gonzalez hinggil sa isyung kinasasang­kutan ngayon ng ABS-CBN entertainm­ent reporter na si Gretchen Fullido.

- (Bernie Franco, Pep. ph)

Kaugnay ito ng pagsasampa ng reklamong sexual harassment ni Gretchen laban sa dating ABS-CBN News executive na si Cheryl Favila at sa ABS-CBN News segment producer na si Maricar Asprec.

Bukod dito, naghain din ng reklamong libelo si Gretchen laban sa broadcast journalist na si Ces Drilon, news executive Venancio Borromeo, at entertainm­ent news reporter Marie Lozano.

Tinawag ng pansin ng ilang netizens ang ABS-CBN personalit­ies na sina Karen at Bianca dahil sa diumano’y pananahimi­k nila sa isyu.

Iba’t ibang akusasyon ang ibinato kina Karen at Bianca gaya ng pagiging ipokrito at pananahimi­k diumano nila, at kung sino ang kakampihan nila sa mga kasamahan sa Kapamilya network na sangkot sa isyu.

Kilala raw kasi sina Karen at Bianca sa pagkakaroo­n ng strong opinion hinggil sa mga isyu at pagiging advocate nila sa mga karapatan ng kababaihan.

Ngunit sa pagkakatao­ng ito, kung saan sangkot ang mga katrabaho nila, ay bakit tila nananahimi­k daw sila.

BIANCA, KAREN REACTS

Nitong nakaraang weekend, nag-post ng kanilang saloobin sa social media sina Karen at Bianca hinggil sa sexual harassment complaint ni Gretchen laban sa ilang katrabaho nito sa ABS-CBN News and Current Affairs.

Tweet ni Karen nitong Sabado, October 6: “NO to SEXUAL HARASSMENT. NO to any form of VICTIM SHAMING. Without prejudice to any of my colleagues, these values are eternal to my person.”

Sinagot din ng veteran broadcast journalist ang isang netizen na nagkomento hinggil sa paraan daw ng pananamit ni Gretchen na “nag-i-invite” daw ng sexual harassment.

Ayon kay Karen, “a woman’s wardrobe or how she looks for that matter can never be cited as a reason for sexual harassment or a sexual crime. I am not fully aware on details of the case but wanted to correct you on this one item.”

Nilinaw rin niya ang isang tweet na nagsasabin­g kinampihan daw niya si Ces.

Pahayag ni Karen: “Hello Sir/Maam: Just to clarify, I said ‘without prejudice to any of my colleagues’ which means “without judgement.” I do not have all details & info to this case.”

Samantala, pinuri naman ni Bianca si Gretchen sa tapang nito.

Hangad din daw niya ay lumabas ang katotohana­n tungkol sa isyu.

Pahayag ng TV host, “Hanga ako sa tapang ni Ms. Gretchen Fullido.

“Sana’y lumabas ang katotohana­n sa kaso at mabigyan ng hustisya.

“Nakakalung­kot na may taong ginagawa itong isyu ng babae laban sa babae. Sa sitwasyon na ito, puro babae at LGBTQ ang involved, kaya sensitibo talaga.”

Hindi na raw mahalaga ang pagiging advocate for women kung ang isyu ay kinasasang­kutan ng parehong babae.

“Yes, women should support women. But when its women involved in both sides, nawawala ang ‘babae ako’ at nagiging ‘babae tayo.’

“Mahirap. Ang mga involved lang ang tunay na nakakaalam ng katotohana­n.

“But s ll, we do our best so that women support women.”

 ??  ?? ABS-CBN personalit­ies Karen Davila (right) and Bianca Gonzalez (left) air their opinions on Gretchen Fullido’s (center) sexual harassment complaint against her colleagues.
ABS-CBN personalit­ies Karen Davila (right) and Bianca Gonzalez (left) air their opinions on Gretchen Fullido’s (center) sexual harassment complaint against her colleagues.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines