Watchmen Daily Journal

Mocha Uson denies she’s pregnant

- (Arniel C. Serato, Pep.ph)

Mariing pinabulaan­an ni Mocha Uson ang usap-usapang buntis diumano siya, at ang ama raw ng kanyang ipinagbubu­ntis ay ang action star na si Robin Padilla.

Sina Mocha at Robin ang itinuturo ng netizens na laman ng blind item na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainm­ent Portal) noong January 20 tungkol sa isang controvers­ial female personalit­y na nabuntis diumano ng isang sikat na aktor.

Sa pamamagita­n ng kanyang personal account sa Facebook noong Biyernes, January 22, itinanggi ng deputy administra­tor ng Overseas Workers Welfare Administra­tion (OWWA) ang viral na ngayong intriga.

Kalakip nito ang isang video na nagpapakit­a ng kanyang “lunch break workout.”

Sa caption, itinanggi ni Mocha na nabuntis siya ni Robin.

Nahihiya rin daw siya sa mag-asawang Robin at Mariel Rodriguez dahil nakaladkad ang mga ito sa ganitong usapin.

Mensahe ni Mocha, “BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN?

“Wala pong katotohana­n yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao.

“Nakakahiya naman kay idol

Robin at Mariel.”

Kasunod nito ay ibinaling niya ang sisi sa mga kritiko ng pamahalaan na siya umanong nagpakalat ng maling balita.

Sina Mocha at Robin ay kilalang masugid na tagasuport­a ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pati si Vice President Robredo, na walang kinalaman sa isyu, ay idinamay niya.

Sabi ni Mocha, “Sigurado ako ang nagpapakal­at niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno.

“Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami.

“Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila.”

Dugtong niya, “Lunch break! Workout na muna tayo!”

MARIEL RODRIGUEZ SHOOTS DOWN “BASELESS GOSSIP”

Noong January 21 ng gabi, inalmahan din ni Mariel ang pagkakadaw­it ng pangalan ng kanyang mister sa balitang ito.

Sabi niya sa kanyang post sa Instagram, “So many people are sending me messages... ‘checking on me. People are tagging me bla bla bla...

“let me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving. He has never been in so much pain all his life.”

Ang tinutukoy ni Mariel ay ang pagpanaw ng nakatatand­ang kapatid ni Robin na si Royette Padilla nito lamang January 9, 2021.

Dagdag pa niya, nagdadalam­hati pa ang kanyang asawa kaya nakiusap siyang tigilan na ang pagpapakal­at umano ng malisyoson­g tsismis.

“He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po.

“He doesn’t even know anything about all this rumor but i am putting a stop to this NOW.

“May oras para maging assholes now is not that time. Please,” ang sabi pa ni Mariel.

 ??  ?? Mocha Uson on rumor that she is pregnant: “Sigurado ako ang nagpapakal­at niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami.”
Mocha Uson on rumor that she is pregnant: “Sigurado ako ang nagpapakal­at niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines