Watchmen Daily Journal

JM de Guzman experience­s panic attack in middle of online event

- (Pep.ph)

Nagkaroon ng mild panic attack si JM de Guzman sa kalagitnaa­n ng isang online event noong April 16, 2021.

Ayon sa webMD, ang panic attack ay biglaang pagkaramda­m ng takot o “terror that strike without warning.”

Maaari raw itong umatake kahit kailan, maging sa pagtulog.

Madalas pa raw, ang mga nakakaramd­am nito “may believe they are having a heart attack or they are dying or going crazy.”

Dagdag pa ng webMD, “The fear and terror that a person experience­s during a panic attack are not in proportion to the true situation and may be unrelated to what is happening around them.”

Sa kuwento ni JM sa kanyang Instagram post, bigla raw siyang nakaranas ng mild panic attack habang nasa isang virtual event para i-promote ang upcoming series na “Init Sa Magdamag,” kasama sina Gerald Anderson at Yam Concepcion.

Ang event ay online kaya magkakahiw­alay sila at nasa kani-kanilang mga bahay lamang.

Nagsasaya raw sina JM at ang cast nang biglaang umatake ang panic attack.

Kalakip ng kuwento ni JM ay isang video ang ipinost niya kung saan makikitang nangingini­g ang kanyang kamay.

Ito raw ang video na sinend niya sa handler na si Portia Dimla nang kamustahin siya nito.

Gumamit din si JM ng #spreadawar­eness sa kanyang post, na tila nangangahu­lugang kaya niya ibinahagi ang nangyari para magkaroon ng awareness ang mga tao sa maaaring idulot ng panic attacks at sa biglaan nitong pag-atake.

Ani JM sa kanyang caption, “So i had a mild panic attack during our promo this afternoon. was having fun, tapos bigla nalang umatake. my handler @starmagic_ portia asked me kamusta ako and i cant type so i sent her this video.

“thank God dumaan lang ng mabilis. and its been more than a month since the last attack #spreadawar­eness”

Nagbigay rin ng paliwanag si JM tungkol sa panic attacks at kasunod nito ang kanyang mensahe sa kanyang followers na “If you have this, remember you’ll be okay” at “Stay positive.”

“A panic attack is a sudden episode of intense fear that triggers severe physical reactions when there is no real danger or apparent cause. Panic attacks can be very frightenin­g. When panic attacks occur, you might think you’re losing control, having a heart attack or even dying.”

Marami namang kaibigan ni JM sa industriya ang nagpakita ng suporta at paghanga kay JM sa katapangan niyang ihayag ang kuwento, lalo pa’t marami rin ang nakakarana­s nito.

 ??  ?? JM de Guzman
JM de Guzman

Newspapers in English

Newspapers from Philippines